WHY PINOY NETWORKERS HAVE A BETTER WAY

Ngayon na narinig mo na ang kwento ng empleyado at ang kwento ng Pinoy networker, ang iniisip mo naman siguro ngayon ay ano ang gusto kong iparating sa mga bumasa ng kwentong yon. Simple lang ang dahilan kung bakit ko sinulat yon – para ipakita sa mga empleyado ang realidad na meron sila, at sa mga networkers ang bagay na posible nilang makuha sa industriya nila. Sa mga kababayan naman nating empleyado, sana ay wag ninyong masamain ang mga nabasa ninyo, dahil hindi ko ito sinulat para lang ma-offend kayo.
Siguro ay hype na hype ang mga Pinoy networkers ngayon, pero isa lang ang masasabi ko – kung member ka ng isang MLM at wala ka namang ginagawa (o kulang ang ginagawa mo) ay wala ring kwenta kahit ilang beses mo itong basahin. Hindi sapat ang “Law of Attraction” at kakasigaw mo ng POWER! POWER! HATAW! HATAW! Kung ikaw mismo sa sarili mo ay nagdududa sa ginagawa mo. Sa susunod na parte ng post na ito ay ipapakita ko sa inyo ang iba’t iba pang mga dahilan kung bakit nga ba mas maganda ang maging isang Pinoy networker kaysa sa maging empleyado at mag-trabaho para sa ibang tao.

BAGONG TREND SA PILIPINAS

Familiar ka ba sa mga call center agents? Siguro naman lahat tayo ay may mga kakilalang call center agents (kahit isa lang), at malamang ay inggit na inggit ka sa sweldo nila diba? Pero alam mo ba na sa kanila nag-umpisa ang bagong trend ngayon sa corporate world – ang performance-based. Kung hindi mo pa alam, karamihan sa mga call center agents ay minimum lang ang sweldo pero kapag naabot nila ang quota nila sa loob ng isang buwan ay mas malaki ang sasahurin nila. Sabihin na natin ang dapat swelduhin ng isang agent ay P20,000 – pero ang fixed lang talaga na matatanggap niya ay P12,000. Saan manggagaling ang P8,000? Kapag naabot niya ang quota niya, ay ibibigay ito sa kanya sa pamamagitan ng tinatawag na “performance bonus”.
Ang hindi alam ng mga agents ay ginagamit ang salitang “performance bonus” para maging mas productive sila at mas maging sulit ang binabayad sa kanila ng kumpanya. Halimbawa na lang ay kailangan nilang makapag-close ng 15 sales sa isang buwan para makakuha ng bonus. Kung wala ang “performance bonus” ng company sa tingin mo ba ay magiging motivated ang mga agents na makapag-close ng 15 sales sa isang buwan, lalo na’t alam nilang fixed naman ang sweldo nila? Baka nga hindi pa sila makapag-close ng 5 kung wala ng tinatawag na bonus.
Ang trend ng performance-based ay nahahati sa tatlo at ito ang mga sumusunod:
  1. Less Work Less Pay – ngayon, kung may kaibigan kang empleyado, tanungin mo sila kung hindi ba binabawasan ang sweldo nila kapag late sila. Sigurado akong oo ang sagot nila at per minute ang bawas sa kanila tuwing malalate sila. Ibig sabihin ay mas konti ang nagagawa nila, mas konti ang sahod nila. Under din ito ng performance-based na trend dahil mas marami kang pasok ay mas malaki ang sweldo mo (o maaabot mo ang maximum na pwede mong sahurin). Ito rin ang pinaka in-demand ngayon at halos karamihan sa mga kumpanya ay ganito ang patakaran sa mga empleyado nila.
  2. Work More for Same Pay – familiar ba kayo sa “kailangan ko yan bago mag-lunch” na paboritong sabihin ng mga boss? Ang laging sinasabi ng mga empleyado ay “rush” kasi to eh kaya kailangan kong tapusin. Pero kung titignan nating mabuti, ang puno’t dulo nito ay pinagtatrabaho sila nang mas marami kapalit ng parehas na sahod. Pag sinabing rush ay dalawang project ang kayang tapusin ng isang ordinaryong tao sa isang araw, pero kapag hindi ito rush ay inaabot ng dalawang araw ang isang project. Kaya nga madalas nating marinig ang “salitang kailangan ko na to agad” ay para mas marami tayong matapos kapalit ng parehong sahod na ibibigay sa atin ng company natin.
  3. Work More for Less Pay – ito yung pinaka-masaklap sa lahat, pero ito ang dinadanas ng mga call center agents ngayon. Tulad nang sinabi ko kanina kung hindi ka maka 15 sales sa isang buwan ay P12,000 lang ang pwede mong makuha, pero papano kung 14 lang ang sales mo? Sympre wala yung P8,000 mo pero ang masaklap ay todo trabaho ka para sa mas maliit na sahod. Ang nakakatakot pa ay halos lahat ng company ay papunta na sa ganitong trend, dahil ito ang magbibigay sa kumpanya ng mas malaki income.

BAKIT DUN KUNG PWEDE DITO?

Maraming mga tao ang nagsasabi na ayaw nila sa MLM kasi hindi daw sila kikita kapag hindi sila nakapag-benta; sa madaling salita performance-based. Pero ang tanong ko sa’yo ngayon, ano ba ang meron sa trabaho nila ngayon? Diba kapag hindi sila masyadong nagtrabaho ay hindi din masyadong malaki ang sweldo nila? Sa MLM kapag hindi ka masyadong nagtrabaho ay hindi rin masyadong malaki ang tseke mo. Parehas lang diba?
Pero ito ang pagkakaiba na nakita ko. Sa MLM kapag hindi ka nagtrabaho ay hindi ka magkaka-tseke, pero pwede mong balikan. Sa employment, try mo kayang hindi pumasok ng dalawang linggo… may babalikan ka pa kaya? So, bakit mas pipiliin mo ang mag-trabaho para sa ibang tao kaysa sa mag-trabaho para sa sarili mo kung parehas lang naman ang kapalaran na meron ang empleyado at Pinoy networker?
Dati akong technical writer na kumikita ng malaki, pero bakit mas pinili kong maging network marketer? Kasi sa tagal kong nag-trabaho para sa ibang tao, ang natutunan ko lang ay mahirap iasa ang buhay at pamumuhay mo sa mga tao na hindi mo naman kaano-ano. Isa pa, feeling ko ay hindi sulit ang bayad sa akin, kasi lahat ng bagay na nagpapayaman sa dun sa pinagtatrabahuhan ko ay galing sa effort ko. So kung kaya kong magpayaman ng ibang tao gamit ang sole effort ko, ibig sabihin ay mas lalong kaya kong payamanin ang sarili ko diba?
Mas masarap naman siguro kung gagamitin mo ang lahat ng skills na meron ka para gawin ang mga bagay na gusto mong gawin para maging successful sa buhay, kaysa naman gamitin mo ang lahat ng bagay na meron ka para mag-survive lang sa buhay. Lagi mong tatandaan na hindi ka ginawang unique ng Diyos para maging alipin ng P15,000 o P100,000 per month. Kaya ka ginawang unique at walang katulad sa mundo ay para magkaroon ka ng buhay na kakaiba at gawin ang mga bagay na masaya ka. Kung tanggap mo na unique ka, dapat alam mo sa sarili mo na unique din dapat ang kapalit ng ginagawa mo ngayon.

Original content from: http://emancruz.com/why-pinoy-networkers-have-a-better-way/