Sa dami ng MLM company ngayon, marami sa mga Pinoy networker ang nahihirapang pumili ng company na sasalihan nila. Sympre, hindi naman lahat ng MLM company sa Pilipinas ay legit at hindi rin lahat maganda (though marami ang maganda). Malaking factor din ang pagpili ng company sa success mo sa networking kaya importante para sa isang marketer pagisipang mabuti bago maglabas ng pera. Alam naman nating lahat – lalo na ang matatagal sa ganitong industriya na mahihirapang maging successful ang isang tao kung hindi siya “hiyang” sa pinopromote niya. So, pano mo nga ba malalaman kung maganda ang isang company o hindi? Marami kang bagay na dapat iconsider kapag pumipili ka ng isang company o para masabi mo na maganda yung papasukan mo at ito ay:
Product
Marami sa mga Pinoy networkers ngayon ang focused sa pagbebenta ng product sa tao – hindi yung tingi tingi kundi yung product na kasama sa package na bibilin mo para maging member. Bihira na ngayon – tingin ko wala na nga eh – ang mga networkers na ipapakita muna sa’yo ang compensation plan bago ang product na ibebenta mo. In fact, halos lahat ng business presentation ay product muna ang pinapakita bago yung mga paraan pano kumita. Bakit? Kasi gusto ng company na ipakita sa tao kung gaano kadaling ibenta ang product para maisip agad ng prospect na madaling kumita. Isipin mo na lang, sobrang ganda ng compensation plan niyo, pero ang ibebenta mo ay pako. May sasali kaya? Para malaman mo na may kalalagyan ka sa MLM company na sasalihan mo, unang una mong titignan ay kung ano ba ang ibebenta mo sa tao bago ka kumita ng pera.
Compensation Plan
Ang sunod mo dapat na titignan ay yung compensation plan o yung mga paraan papano ka kikita. Sympre, kaya tayo nasa networking ngayon ay dahil gusto nating kumita ng mabilis at madali, pero kung ang paraan mo lang para kumita ay magbenta ng product sa tao, parang mas maganda pa kung magbebenta ka na lang ng kotse, house and lot, o condo unit. Ngayon, pano ka ba kumikita sa company mo? Baka sobrang ganda nga ng product mo at sobrang daling ibenta, halos wala ka namang kikitain. Ano kaya sa tingin mo ang mangyayari sa negosyo mo kung ang product na binebenta mo ay bigas tapos ang kita mo ay piso lang sa isang kilo at walang override sa salesforce mo. Sympre exaggerated na yan, pero may mga MLM companies na sobrang safe ng compensation plan kaya halos wala nang kinikita yung mga tao na nagmamarket ng product nila.
Investment
Bago mo ma-enjoy ang kitaan sa networking o MLM, kailangan mong makapag-endorse ng ibang tao na magmamarket din ng product nung company. Ibig sabihin, mas marami kang mapapasali, mas malaki ang kikitain mo. Ito ang dahilan kung bakit sobrang importante din ng puhunan bago ka sumali. Sige, sabihin na nating sobrang laki ng kikitain mo kapag may napasali ka; sobrang ganda ng product at ang daling maibenta sa tao kasi madaling intindihin; pero ang puhunan naman na kailangan niyang ilabas ay lagpas P20,000 – sige sabihin na nating P10,000 na lang; madali kayang makapag-endorse? Oo, meron at meron kang mapapasali kahit ganyan kalaki ang puhunan na kailangan mo, pero sobrang limitado ng market mo kasi wala pa sa kalahati ng populasyon ng Pilipinas ang kayang maglabas ng P10,000 to P20,000 agad agad. Eto pa ang tanong, may napasali ka nga kasi kaya niyang maglabas ng P10,000 to P20,000; siya kaya may mapapasali, o yung napasali ba niya kaya ring magpasali.
Timing
Mahalaga rin ang timing para sa isang Pinoy networker kasi ito ang mag-dedetermine ng market na meron siya kapag sumali siya. Sasabihin nung iba, akala ko ba product-product lang ang ibebenta mo para kumita ka; bakit kailangan pa ng timing? Simple lang, diba para kumita ka ng malaki, kailangan mo ng malaking salesforce? Edi kailangan mong magpasali ng tao gamit yung product, compensation plan, at puhunan ng company mo! Ngayon, kung ang isang company ay ilang dekada na ang binibilang sa industriya, may mapapasali ka pa kaya? Oo nga, stable nga ang company kasi ang tagal na nila, pero ang tanong dun ay kikita ka pa kaya kung lahat na ng kakausapin mo ay narinig na yung company na ipapakita mo sa kanila? Hindi na ako magbabanggit ng mga pangalan ng company, pero sigurado ako na merong mga lima o anim na companies kang naiisip na noong bata ka pa ay naririnig mo na sa mga nanay at tatay mo diba?
Group / Team
Ang pinaka-mahalaga sa lahat ay yung group na sasalihan mo sa networking dahil sila ang mga magiging katulong mo kapag ginawa mo ang negosyo. Kahit pasok yung apat na nasabi ko sa taas dun sa company na iniisip mong pasukan, pero hindi naman maaasahan yung team na sasalihan mo ay wala ring mangyayari sayo. Siguro naman, alam nating lahat kung gaano kahalaga ang team sa networking diba? So kung nagbabalak kang maging isang successful na Pinoy networker, ang pinaka-importante mong dapat gawin ay pumili ng grupo na makakatulong mo. Meron ba silang mga training na naka-handa para sa’yo? Meron ba silang mga bagay na kayang ibigay sa’yo na kailangan mo para makapag-market ka? Kaya ka ba nilang samahan sa paguumpisa mo ng negosyo? Hindi ito madaling gawin, pero kung magiging tama ang desisyon mo ay halos kalahati na ng success mo sa networking ay nakuha mo na.