4 REASONS WHY PEOPLE DON’T JOIN MLM COMPANIES

Kung isa kang full-pledge Pinoy networker, siguro naman ay isa sa mga pinaka-malaking problema mo ang hindi pag-sali ng prospect mo. Oo, tanggapin mo na, na hindi lahat ng prospects mo ay sasali at hindi rin lahat ng nakapakinig ng business presentation ay magkaka-interest sa negosyong pinakita mo. Iba’t iba ang dahilan kung bakit may mga tao na hindi mo talaga mapasali sa MLM kahit anong gawin mo, pero para matulungan ka na maunawaan ang mga yon ay ipapakita ko sa’yo ang mga dahilan na palagi kong nakikita sa tao na hindi sumasali sa networking.

WRONG TIMING

Ito ang isa sa mga pinaka-madalas na dahilan kung bakit ang tao ay hindi mo talaga mapapasali kahit anong gawin mo. Marami akong mga ka-grupo sa MLM na basta na lang maka-invite kahit hindi naman dapat ma-invite yung tao. Meron akong isang nakausap pagkatapos ko mag-present na kakalabas pa lang ng ospital at baon pa sa utang dahil sa mga ginastos sa pagpapagamot niya. Meron namang mga na-invite na kaka-promote pa lang sa trabaho at sobrang busy pa siya dahil sa transition ng mga ginagawa niya kaya hindi niya malaman kung papano niya gagawin ang MLM kung sasali man siya.
Wrong timing ka lang siguro kaya hindi sumali yung invite mo. Baka kakamatay pa lang ng aso nila at nagluluksa pa nung sinama mo sa business presentation. Oo, nagustuhan nila yung pinakita mo, pero hindi komo nagustuhan nila ay sasali na sila agad. Nasa tamang oras din ang pag-iinvite o pag-ppresent ng negosyo. Para sa mga Pinoy networkers, lagi ninyong tatandaan na isang beses mo lang pwedeng ma-present ang negosyo sa tao at kung lagi kang wrong timing ay sinusunog mo lang ang market mo. Kung mag-iinvite ka rin lang naman ng tao, mas maganda siguro kung nasa tamang timing ka para sulit yung pag-invite mo sa kanya.

BAD EXPERIENCE

Ang dahilan na ito ay hindi na mangyayari after ng BOM dahil mag-iinvite ka pa lang ay maeencounter mo na agad ito. Familiar ka ba sa mga tao na nagsasabing marami silang kakilala na sumali sa networking pero hindi kumita? Oo naman, dahil kung hindi familiar sa’yo to, malamang ay hindi mo ginagawa ang dapat mong gawin bilang isang Pinoy networker. Kung gusto mong mapasali ang isang tao na merong “bad third-party experience” sa networking, ang kailangan mong matutunan ay kung papano iaaddress yung problema nila sa negosyo mo.
Dapat ay alam mo ang mga dahilan kung bakit may mga sumasali sa MLM companies na hindi kumikita at yung mga dapat gawin ng isang tao para kumita siya. Ipa-realize mo sa invite mo na hindi madedetermine ng experience ng ibang tao ang experience nila sa MLM, lalo na’t ang kikitain niya dito ay depende sa performance niya at hindi depende sa performance nung kakilala niya na hindi kumita sa ganitong negosyo.

LACK OF CONFIDENCE

Isa ito sa mga pinaka-mabigat na dahilan ng tao para hindi siya sumali sa MLM kahit na sobrang nagandahan siya sa business presentation. Sila yung mga tao na magtatanong sa’yo ng “pano kung wala akong mapasali?” at “hindi kasi ako magaling sa sales”. Ang kakulangan ng tao sa tiwala niya sa sarili niya ay dahil na rin sa kakulangan niya sa kaalaman kung papano ba ginagawa ang negosyo natin. Marami sa mga tao ang iniisip na agad ang gagawin nila kapag sumali sila at ang madalas na nakikita nila ay yung mga bagay na magiging dahilan para hindi sila maging successful.
Ipakita mo sa invite kung papano mo ginagawa mo negosyo mo at ipakita mo na kayang kaya rin niyang gawin yung ginagawa mo. Kung ano ang ginawa mo para mapasama siya at kung ano ang ginagawa nung nagpepresent ay iniisip din niyang dapat niyang gawin para kumita. Pano kung hindi niya kaya yung ginawa mo para mapasama mo siya at pano kung mukang mahirap ipaliwanag yung negosyo na parang hindi niya kayang gawin? Kung gusto mong kumita ng malaki sa networking, gawin mong madali sa mata ng ibang tao yung ginagawa mo.

LACK OF DESIRE

Sa lahat ng mga idadahilan sa’yo ng invite mo para hindi sumali, ito na siguro yung pinaka-mahirap na iaddress sa lahat – o hindi mo na dapat iaddress pa. Kung yung kausap mo ay ayaw gawin yung negosyo o ayaw kumita, ibig sabihin ay kuntento na siya sa kung anong meron siya. Tandaan mo palagi na bilang isang Pinoy networker, ikaw ang may pinaka-malahagang oras sa lahat at kung yung kausap mo ay masyadong maraming dahilan para hindi gawin ang negosyo, hindi mo na dapat sayangin ang oras mo sa kanya.
Kapag may kausap akong tao na walang kagustuhan na gawin ang negosyo, five minutes lang ang ibibigay ko sa kanya at kung hindi pa rin siya magka-interest na gawin ang MLM ay tapos na ang presentation ko. Ganito lang ang tanong ko kung ang kausap ko ay yung mga ordinaryong Pinoy; “kung meron kang 12 million ngayon ano ang gagawin mo?” Pagkatapos niyang sumagot, ang kasunod na tanong ko ay “sa ginagawa mo ngayon, gaano katagal mo kikitain ang 12 million?” Sympre, ang sagot niya sa’yo ay matagal. Dinudugtungan ko pa yun ng, “oo sobrang tagal, kasi kung nakakaipon ka ng P10,000 isang buwan (labas na lahat ng gastusin mo) meron ka lang P120,000 isang taon, P1.2 million sa sampung taon, at P12 million sa loob ng 100 years. Isang beses ka lang mabubuhay, uubusin mo pa ang 100 years para makaipon ka ng P12 million?”
Kung hindi mo rin lang naman mapapasali ang tao na kausap mo, laitin mo na siya para ma-realize niya kung anong meron siya ngayon. Kasi baka magbago pa ang isip niya at sumali pa siya sa’yo. Tutal, alam mo na rin lang naman na hindi siya sasali at yun na ang huli ninyong pagkikita diba? Maging mapili ka lang sa mga salita na bibitawan mo kasi baka magulpi ka nung kausap mo.

Original content from: http://emancruz.com/4-reasons-why-people-dont-join-mlm-companies/