NASA TAMANG MLM COMPANY KA BA NGAYON?

Note: Medyo mahaba ang post na ito, pero madami kang matututunan dito.
what_is_network_marketingSobrang daming lumalabas na MLM (Multi-Level Marketing) companies ngayon at umaabot na sa point na basta gumagamit ng system na kapareho ng system ng MLM companies at nagbabayad on multiple generations ay considered na ng ibang Pinoy networkers as MLM o networking. Para sa ikabubuti ng lahat, mabuti kung lilinawin muna natin ang ibig sabihin talaga ng MLM. Medyo marami kasi talaga ang pumapasok sa isang negosyo na inaakala nilang MLM pero hindi naman pala talaga, at ang nasisisi ay mismong industry natin.
Simple lang naman ang konsepto ng networking, babayaran ka ng isang company para i-endorse ang isang produkto or serbisyo. Kaya siya tinawag na MULTI-LEVEL MARKETING ay dahil babayaran ang isang tao galing sa multiple generations ng mga tao na nag-market ng business. Dito na papasok yung compensation na ibibigay ng company galing sa endorsement ng ibang tao na ikaw yung nag-endorse.
downloadKatulad lang din siya ng kahit anong business na makikita mo sa Pilipinas ngayon. Kapag bumili ka ng chicken sa Jollibee, hindi lang naman Jollibee yung kikita. Pati yung gumagawa ginagamit sa pagluluto ng manok, yung gumagawa ng pagkain ng manok, at yung gumagawa ng mga gamit para magkaroon ng pagkain yung manok ay kumikita din. Ultimo yung company na bibilihan ng gas para mai-deliver yung manok sa isang branch ng Jollibee, may parte rin sa kikitain kapag bumili ka.
Sa MLM, kapag bumili ka ng isang product mula sa company, may mga kikita at may hindi. Pero ang point dun ay hindi yung kikitain nung Pinoy networker o yung kikitain mo kapag nakapag-benta ka, kundi yung intensyon ng tao kung bakit niya binayaran yung product o yung service. Hindi ginawa ang konsepto ng MLM para kumita lang tao, kundi para mas mapabilis ang movement ng product o service sa kailangan talaga nila sa pinaka-maliit na expense possible.
Ang isang legit na MLM company ay kikita kapag may bumili ng product o service na meron sila. Ito yung dahilan kung bakit merong compensation sa endorsement ng business. Ibig sabihin, hindi porket binabayaran ka on multiple levels of sales ay nasa MLM ka na, lalo na kung walang product o service, o yung product mo ay hindi naman talaga dapat binebenta.
IMPORTANTE TO: Dapat yung company mo ngayon ay may product o service na handang bilihin ng tao kahit walang compensation na galing sa company. Gawin nating simple. Alisin mo yung compensation mo ngayon, bibilin mo kaya yung product o service na meron yung company mo? Kung oo ang sagot mo ng hindi mo niloloko yung sarili mo, tunay na MLM nga ang napasok o papasukin mo.
picture of coffeeAng pinaka-common ng example na pwede kong ibigay ay yung kape (3-in-1 man yan o 99-in-1) na madalas mong makikita sa isang MLM company. Kailangan ng tao si kape kaya babayaran niya to, at dahil sa consumption ni tao ng kape ay kikita yung company at si taong nag-endorse nung kape kay tao. Talagang binibili ng tao ang kape at hindi mo ito makukuha ng libre maliban na lang kung nasa lamay ka.
Pero, merong mga companies na itinatayo ngayon na nagsasabing MLM companies daw sila, pero kung ang pagbabasehan mo ay yung traits ng isang tunay MLM company ay hindi naman talaga sila papasa. Ito yung mga companies na sasabihin nilang meron silang product o service pero wala naman pala. Ayaw ko na magbigay ng example, sila yung mga companies ngayon na nagbebenta ng products o service na pwede mo namang makuha ng libre.
picture of stonesPara kang nagbenta ng bato (hindi yung shabu ah) sa tao at sasabihin mong pwede silang kumita kung ibebenta nila yung bato. Anong sense nun? Anong klaseng business yun? Oo, may product yung company pero meron kayang tao ngayon (maliban sa magtatayo ng bahay o adik) ang bibili ng bato? Siguro meron kasi pwede silang kumita kapag nakapag-benta sila ng bato, pero ang point dun ay babalik nanaman sa “hindi lang naman compensation ang dahilan kung bakit tinatawag na MLM company ang isang company.”
Alisin mo yung compensation, bibili ka ba ng bato na pwede mo namang mapulot sa kalsada? Kung ganitong klase ng MLM ang papasukin mo,HINDI MLM YAN!!! Walang masama sa ganyang business kung trip mong magbenta ng mga hindi naman talaga dapat ibenta. Pero ang pakiusap lang ng mga legit Pinoy networkers ay wag naman nating idamay yung buong industry, kasi hindi naman talaga MLM o networking yang pinasok o papasukin mo.
Original content from: http://emancruz.com/nasa-tamang-mlm-company-ka-ba-ngayon/