Bago ka magisip ng kung ano ano, hayaan mo munang ipaliwanag ko kung bakit para sa akin ay hindi effective ang strategy na flyering. Sa totoo lang, marami akong kilalang Pinoy networkers na ang inaaasahan lang na strategy ay yung pamimigay ng flyers at medyo sumasama ang loob ko kapag may mga nakikita akong Pinoy networkers na gustong gustong kumita pero hindi kumikita dahil sa pamimigay ng flyers lang sila umaasa.
Noong isang araw, marami akong na-offend na networker habang nakatambay kami sa 7-11 na tambayan ng mga networkers na nag-ooffer na isang food supplement. Medyo nagpantig kasi ang tenga nung marinig ko yung upline nila na nagtuturo sa kanilang mamigay lang ng flyers dahil may sasali at sasali rin sa kanila. Alam mo kung ano ang ginawa ko? Sinabihan ko yung mga kausap ko (medyo malakas ang boses ko nung time na yun) na kapag ang upline mo ay walang itinuro sa’yo kundi mamigay ng flyers ay wag ka ng makinig sa kanya. Napatingin lahat nung ka-grupo niya sa akin at napatahimik yung upline nila, pero totoo naman talaga yung sinabi ko.
Alam mo ba ang dahilan kung bakit sobrang liit – o halos wala – ng success rate ng pamimigay mo ng flyers? Unang una, ano ba ang ginagawa mo kapag may nagaabot sayo ng flyers? Diba dedma ka lang? Diba hindi mo naman binabasa? Diba minsan kukunin mo at kunyari ay binabasa mo pero hindi naman talaga? Ngayon, ikaw ang lumugar doon sa lugar noong namimigay ng flyers, sympre kapalan talaga ng mukha para mag bigay ng flyers diba at aminin man natin o hindi, hindi naman talaga lahat ay kayang magbigay ng flyers. Isa pang dahilan ay walang taong gustong kumita sa pamamagitan ng pagbibigay ng flyers.
Anong koneksyon nun? Simple lang… Kapag may nag-abot sayo ng flyers na nagsasabing pwede kang kumita ng malaki sa part-time job, anong iisipin mo? Yung part-time job ay yung pagaabot ng flyers diba? Kasi kung hindi, edi sana yun na lang yung ginagawa nung nagaabot sayo kesa mag abot ng flyers. Ngayon, kung malaman mo na ganun din ang gagawin mo para kumita ng pera, tatanggapin mo ba? Ako, hindi.
Simple lang naman ang networking kung tutuusin. Kaya lang marami ang nagiging negative sa MLM ay dahil nakikita nilang nahihirapan yung tao sa pagnenetwork. Pero kung makikita nilang chillax ka lang sa negosyo mo at kumikita ka ng malaki, mas madaling magpasali diba? Pano mo naman i-popower yung prospect mo kung nakikita ka niyang nakabilad sa sikat ng araw, araw araw para lang kumita ng pera… tapos ang sasabihin mo pa sa kanya ay madali lang yung ginagawa mo, pero ang totoo ay hindi naman talaga. Ano, lokohan?
Ang pinaka dahilan kung bakit hindi effective ang flyering ay dahil maraming tao ang gustong kumita pero walang taong gustong mahirapan para kumita. Nakakatawa pero totoo at alam kong alam mo rin na totoo to. Kaya kung flyering pa rin ang strategy mo, ang masasabi ko lang ay wag kang umasa na “baka” may mag-tanong sayo dahil “Hope is not a Strategy“. Tanungin mo pa ang upline mo, I’m sure hindi siya kumita ng malaki dahil lang sa flyering.
Original content from: http://emancruz.com/bakit-hindi-effective-ang-flyering/