BAKIT MO GINAGAWA ANG MLM?

Habang nagbabasa ako sa isa sa mga forums para sa mga Pinoy, marami akong nakitang mga post na nagpapakita ng pagdismaya ng maraming Pinoy sa networking o MLM. Marami sa kanila ay nagsasabi na marami na daw ang walang kwentang MLM sa Pilipinas at halos lahat daw ay puro based na lang sa pyramiding 
scam scheme. Ang sabi po nung isa kong nabasa, masaya lang daw ang MLM kapag titignan mo, pero kapag nakasali ka na ay puro paghihirap na ang dadaanan mo bago mo maabot yung pangarap mo. Medyo natawa na lang ako sa post niya, pero normal lang naman na maramdaman ito ng isang unsuspecting na taong papasok sa MLM.
Kapag nakita mo ang mga business orientation meeting ng lahat ng mga networking companies ngayon sa Pilipinas ay iisipin mong sobrang saya ng ginagawa nila at kumikita sila ng malaki. Pero ako na mismo ang nagsasabi sa’yo na hindi ganun kadali ang maging successful sa networking. Isa sa mga dahilan kung bakit 5% lang ng mga Pinoy networkers ang nagiging successful ay dahil sila yung mga tao na kayang gawin yung mga bagay na para dun sa 95% ay impossible.
Isa sa mga pinaka-importanteng bagay na makakatulong sa’yo para maging successful sa MLM ay ang pagaralan mong mabuti yung negosyong pinasok mo. Alam mo ba kung bakit 5% lang ang nagiging successful sa MLM? Kasi yung 90% (9 out of 10) nung mga sumali ay hindi manlang maka-attend ng mga training. 70% (7 out of 10) dun sa mga umaattend ay hindi naman ginagawa yung mga natutunan nila sa training. At 30% nung mga ginagawa yung mga natutunan nila ay hindi inaasahan na mahirap pala ang networking kaya tumitigil sila. Para sa akin, yung 5% ng mga marketers yung mga tunay na entrepreneurs na nakikita yung mga ups and downs ng isang negosyo. Kung sa isang traditional business nga, 1 out of 10 lang ang tatagal ng 5 years at dun sa mga lumagpas ng 5 years, 1 out of 10 lang rin ang aabot ng ten years; ibig sabihin, 1% lang ng nagtayo ng sarili nilang negosyo ang aabot ng 10 years at hindi lahat ay pwedeng maging successful.
Oo, mahirap ang networking pero ang lagi kong sinasabi sa mga ka-grupo ko, kapag naging empleyado ka ba, magiging madali ang buhay mo? Sabi nila kailangan daw kasi ng maraming pamasahe, pero kapag nagtrabaho ka ba sa labas hindi mo kailangan ng pamasahe? Siguro iniisip mo na isa ako sa mga traditional upline na makikita sa kahit saang MLM company, pero ang masasabi ko sa’yo ay ito talaga ang totoo at kung babasahin mo yung kwento ng empleyado ay malalaman mo kung ano ang hirap na pinagdadaanan ng isang ordinaryong pinoy.
Pero, kung malalaman mo ang mga dahilan kung bakit marami ang hindi nagiging successful sa MLM, malamang ay tumaas ang chance mo dahil alam mo na ang mga dapat mong iwanas. So para matulungan kitang maging successful ay ikukwento ko sa’yo yung mga bagay na nangyari sa mga ka-grupo ko at ito ang patunay na wala sa product, compensation plan, at grupo nakikita ang success ng isang Pinoy networker:
  • Isa sa mga ka-grupo ko ay sumali na dati sa ibang company na food supplement ang product. Ang dahilan niya kung bakit siya sumali sa amin ay dahil madali daw ibenta ang product pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kinikita.
  • Meron akong ka-grupo na galing sa ibang company na parehas yung product sa amin. Ang sabi niya ay maganda daw kasi ang compensation plan dito. After almost 4 months ay hindi pa rin siya kumita ng malaki o sapat para mapantayan yung sahod ng empleyado.
  • Ang pinakahuli ay yung ka-grupo ko na galing sa ibang team at lumipat sa amin dahil sa support na nakikita niyang ibinibigay namin. Pero tanungin mo siya kung ano na ang ginawa niya para maging successful sa business niya; wala.
Sa madaling salita, hindi pala yung product, hindi rin yung compensation plan, at mas lalong hindi yung support ng grupo ang magbibigay sa’yo ng resulta na gusto mong mangyari sa MLM. Ikaw mismo ang dapat gumawa ng paraan para maging successful ka at yung tatlong factors na sinabi ko ay makakatulong lang sa’yo para maging mas madali yung pagyaman mo sa networking. Pero papano ka matutulungan nung tatlong sinabi ko kung ikaw mismo ay hindi mo kayang tulungan ang sarili mo?
So bakit mo nga ba ginagawa ang MLM? Kung ang dahilan mo lang ay dahil gusto mong yumaman, hindi ka magiging successful. Kung ang dahilan mo lang ay gusto mong maabot ang mga pangarap mo ay hindi ka magiging successful sa MLM. Pero, PERO, hindi sapat ang reason lang… kailangan mo ring sipagan. Take note, hindi basta basta income lang ang pinag-uusapan natin dito kundi yung mga pangarap mo. Kung inaasahan mong matupad ang pangarap mo ng hindi ka nahihirapan, siguro ay nananaginip ka o hindi mo lang talaga alam pa sa ngayon kung gaano kaimportante yung pangarap mo.

Your Online Friend To Success, 

Alvin Tabulao



"Learn How Thi

STUDENT Earned 20k to 30k,

Using Facebook and 

Internet CLICK HERE NOW"