4 Steps Formula: How To Get Rich and Make 1 Million Pesos in 2014


Happy New Year to you.. This is going to be my first post for 2013 and I’m so excited to share with you kung ano yung natutunan from Frank Kern, one of most successful and highest paid internet marketer sa buong mundo. 

Ang record nya, nakapag generate lang naman sya 28 Million Dollars in 24 Hours combined period. This is the formula that helped him become successful (and Rich). Apply this formula in your business and you can achieve success too this 2013. 

Here’s the 4 steps...

Step 1: Modeling - Identify the rich and successful people and do what they do. Ang tawag dito ay “modeling”. Modeling successful people. In other words, humanap ka ng tao na merong resulta at merong success na gusto mong makuha, pagkatapos gawin mo yung ginagawa nila/niya.


On a much deeper level, hindi lang yung mga ginagawa nila yung mga gagawin at gagayahin mo. Kaylangan ay maunawaan at ma-adapt mo sa buhay mo yung kanilang mga core beliefs, traits, habits, characteristics, motivational drivers, work ethics, etc.
So step 1, hanap ka ng successful na tao and model them.

Step 2: Know Your Outcome Specifically - Napaka inportante nito dahil hindi mo lang basta pwedeng sabihin na gusto mong yumaman. It’s very undetermined. Iba iba kasi ang ibig sabihin ng mayaman para sa ibat-ibang tao. Pwedeng ang ibig sabihin ng mayaman sayo ay yung kumikita  ng 1 Million per year. Pwede din na para sayo ang pagiging mayaman ay income na 1 Million per month.


Alam mo ba na yung mga successful na tao,  alam na alam nila kung ano yung eksaktong gusto nilang ma-achieve. Paskatapos gumagawa sila ng paraan at aksyon para ma achieve yung goals na yun. Kaya importante na maging specific ka din sa kung ano yung gusto mong ma-achieve.


Know your specific outcome and write them down. Tapos gumawa ka ng plan of actions para makuha mo yung goal na yun.


For example: Kung ang ibig sabihin sa'yo ng pagiging mayaman ay 1 Million na income in 1 Year. Ang gawin mo humanap ka ng paraan para kumita ng P83,334 na income kada buwan OR P2,777 na income araw araw.


P2,777 x 30 (Days) = P83,334 


P83,334 x 12 (Months) = P1,000,008 in 1 Year


Siguro alam mo na na hindi ganun kadali na humanap ng trabaho na sasahod ka ng  P2,800 araw-araw. Kung katulad mo ‘ko, ang option mo ay magtayo or maghanap ka ng business kung saan pwede kang kumita ng ganitong income.

Kung wala kang malaking puhunan, ang mga options na pwede 'kong isuggest sa’yo ay online business, O kaya naman mag hanap ka ng network marketing business. Both of these requires very very low investment but highly profitable.


Step 3: Believe That It Will Work - Sabihin natin na nakahanap ka ng paraan para kumita ng P83,334 na income kada buwan. At nakagawa ka na din ng specific na plano para maachieve mo yung 1 million per year na income goal mo.


Na-compute mo na lahat ng kikitain mo. Determinado ka na magiging successful ang plano mo. Sigurado kang na kikitain mo yung 1M mo after a year. Ang tanong ay hanggang saan yung willing mong gawin para ka maging successful? How hard and how many hours will you work to hit your target income?


You see, rich and successful people, kapag may sinimulan silang business, meron silang matibay na paniniwala na magiging successful sila sa kung ano man yung ginagawa nila. Hindi sila nagdududa at hindi nila iniisip na magfe-fail sila.


Walang yumaman or naging successful na tao na nagtayo ng business pagkatapos ang nasa isip nya “bahala na kung mag work ‘to or hindi”. Naniniwala sila na mag wowork kung ano man yung ginagawa nila atnaiintindihan din nila na hindi magiging perfect ang lahat, magkakaron ng mga challenges at problema along their journey to success pero alam din nila na pwede silang mag adjust at humanap ng mga solutions sa mga magiging pagsubok nila.


Parang tulad ng eroplano, pagnag take off ang eroplano hindi naman 100% na sureball ng makaka-landing sa papupuntahan nya. Ginagawa ng piloto, constant nyang ina-align kung ano man yung dapat i-align, ina-adjust kung ano yung dapat i-adjust para makarating ng safe dun sa destination nya.


Ganun din sa magiging business mo, constant kang mag-aadjust para mahit mo yung goal mo at para makapunta ka dun sa gusto mong puntahan.


Step 4: Work Hard - (and Smart) Bakit nagiging successful ang ibang tao? Simple lang they work harder and smarter than unsuccessful people does.


Para sakin napaka importante na maintindihan natin na success takes hard work. Ang problema kasi ng ibang business owners (Network Marketers/Home based business owners) porket may business na sila at boss na nila ang sarili nila, they tend na mag pa easy easy. 

The difference between the most successful people is they work hard BUT they enjoy what they do because they LOVE what they are doing. Ibig sabihin, kung para sa ibang tao mukang mahirap yung ginagawa nila,para sa kanila hindi iyon mahirap dahil inspired sila at nag eenjoy sila at mahal nila yung mga ginagawa nila.


Make sure na kung mag start ka ng business mo, siguraduhin mo na yung gagawin mong business ay yung mag eenjoy ka.

Your Online Friend To Success, 

Alvin Tabulao



"Learn How This STUDENT Earned P104,
830 in 39 DaysUsing Facebook and 

Internet CLICK HERE NOW"


KWENTO NG PINOY NETWORKER

Noong nakaraan ay nagkwento ako tungkol sa buhay ng isang empleyado na malamang ay nararanasan ng marami sa mga Pinoy ngayon. Ang kwento na iyon ay hindi ko po isinulat para saktan ang damdamin ng ilan sa mga kababayan nating empleyado, kundi para ipakita sa kanila ang isang bagay na malamang ay hindi nila masyadong napapansin. Hindi naman siguro kayang itanggi nang mga Pinoy na ganun talaga ang nangyayari sa mga empleyado at malamang ay sila mismo ang nakakaranas ng ganun. Sa post naman na ito ay ang kwento ng isang Pinoy network marketer ang mababasa ninyo, at ito ay katulad din nung nauna kong kwento; based on true story at talagang nangyayari sa mga networkers ngayon. Sabihin na nating confession din ito ng isa kong ka-grupo sa MLM, at lahat ng mga bagay (negative man o positive) na dapat mong malaman tungkol sa mga networkers ay mababasa mo sa dito.
Si Pedro ay isa sa mga ka-grupo ko na kumikita nang consistent sa MLM ngayon at nagumpisa siyang gawin ang negosyong limang buwan na ang nakakaraan. Sa ngayon ay kumikita siya ng P5,000 kada linggo at kung ikukumpara sa kinikita ng isang empleyado ay halos parehas lang sila ng kinikita. Noong naka-kwentuhan ko siya tungkol sa negosyo niya ay nagtanong ako kung papano niya nagawang bumuo ng isang negosyo na kayang kumita ng hanggang P20,000 kada buwan sa loob ng limang buwan, ang sagot niya sa akin ay dumaan siya sa butas ng karayom. Hindi ko ito itatanggi dahil ako mismo ang saksi kung papano nagumpisa si Pedro at papano niya dahan dahang binuo ang career niya bilang isang Pinoy networker.
Noong naguumpisa pa lang si Pedro sa negosyo niya ay katakot takot na pagod ang inabot niya sa pag-attend ng training at paghahanap ng mga prospects niya. Maliban sa mga ito ay sandamakmak na negative na tao ang mga nakasalamuha niya at merong mga tao na tinatawanan ang ginagawa niya. Merong ding mga tao na bumaba ang tingin sa kanya noong naguumpisa pa lang siya dahil ang akala nila ay nanloloko lang siya ng tao. Ito ang mga bagay na una niyang napagdaanan noong una at pangalawang buwan niya sa kumpanya namin. Siguro nga ay kailangan talaga itong pagdaanan ng isang Pinoy networker bago siya maging successful dahil naranasan din ito ng mentor ni Pedro,  ng mentor ng mentor ni Pedro (ako), ng mentor ko at ng mentor ng mentor ko.
Dahil sa hindi naman nakatapos si Pedro nang pag-aaral at walang trabaho na pagkukunan niya ng pera ay madalas siyang nahihirapan na magpunta sa mga training nang grupo namin, pero ang nakakatuwa ay mas madalas ko pa siyang makitang present kaysa sa mga ka-grupo ko na may pamasahe at allowance para makapunta sa training. Sa madaling salita, ang kagustuhan ni Pedro na maging successful sa negosyong ito ay hindi katulad nang kagustuhan ng iba kong members na maging successful – yung tipong pag tinanong mo kung gusto nilang kumita ng malaki ay oo ang sagot pero pag gagawin na nila ang bagay na dapat nilang gawin para maging successful ay ayaw na nilang gawin.
Halos lahat ng itinuro ko sa kanya noon ay ginawa niya at halos lahat ng pwedeng gawin para makapag-endorse ng produkto namin ay ginawa na rin niya. Si Pedro ang isa sa mga may pinaka-maraming direct referral sa grupo ko at isa siya sa mga pinaka-hinahangaan ko sa company namin. New blood lang si Pedro pagdating sa MLM kaya siguro ganun katindi ang kagustuhan niyang maging successful, pero ang lagi kong sinasabi sa mga ka-grupo ko ay lahat ng bagay na mawawala sayo ay may kapalit na bagay na kasing halaga niya – Law of Equal Exchange. Ibig sabihin, hindi ka pwedeng maging member ng Millionaire’s Club kung hindi ka mawawalan o magbibigay ng isang bagay na kasing halaga ng pagiging milyonaryo mo.
Dumating pa nga sa punto na pati mga magulang ni Pedro ay sinabihan na siyang tumigil sa ginagawa niya dahil wala naman daw mangyayari sa kanya pero tuloy tuloy lang siya at naging bingi sa sinasabi ng ibang tao sa kanya. Kung iisipin mong mabuti ay bihira ka lang talaga makakita ng isang hindi nakatapos nang pagaaral na kumikita ng P20,000 o higit pa kada buwan, pero ang tanong ay gaano ba kabihira ang makakita nang isang tao na kayang gawin ang lahat para makabuo ng isang negosyo na magbibigay ng pangarap niya. Oo, siguro nga ay hindi pa masyadong malaki ang kinikita ni Pedro sa ngayon, pero kung titignan mong mabuti ay mas malaki ng di hamak ang kinikita niya at mas may freedom siyang gawin ang mga bagay na gusto niya kumpara kay Juan.
Si Juan, inabot nang apat na taon sa college at limang taon sa trabaho bago kumita ng P12,000 isang buwan samantalang si Pedro ay kumikita ng P20,000 dahil sa limang buwan niyang sakripisyo. Kung ikaw ang tatanungin ko, kung magsasakripisyo pa si Pedro ng limang buwan pa, magkano kaya sa tingin mo ang kikitain niya?
Marami sa mga sumasali sa MLM ang natutuwa sa pagaakalang ang pagsali nila sa networking ay parang pagtaya mo sa lotto na maghihintay ka lang mabunot ang mga number na tinayaan mo para maging milyonaryo. Pero naisip mo ba na mas madalas pang tumama ang kidlat sa tao kaysa sa manalo ka sa lotto? Ang isang Pinoy networker ay hindi dapat nagdududa kung kikita ba talaga siya sa negosyo niya o hindi dahil siguradong kikita siya. Hindi ka dito tumataya sa lotto na “by chance” lang ang pagasa mong yumaman. Ang pagyaman sa networking ay ginagawa at hindi hinihintay lang. Hindi biro ang pagdadaanan mo sa negosyong ito at dadaan ka sa butas ng karayom bago ka kumita ng malaki sa MLM.
Ang tanong ko sa’yo ngayon ay handa ka bang dumaan sa butas ng karayom para matupad ang mga pangarap mo? Siguro ang sagot na lalabas sa bibig mo ay oo, pero ikaw mismo ang nakaka-alam kung ano ang kayang mong gawin para maging isang successful na Pinoy networker. Tutal naman ay dumadaan ka rin sa butas ng karayom araw araw kung empleyado ka, bakit hindi pa ang pagdaan sa butas ng karayom na magpapayaman sayo ang daanan mo? Hindi ba’t hirap din naman si Juan sa pagiging empleyado? Hindi ba’t nakakapagod din ang ginagawa ni Juan? Hindi ba’t nagugutom at napupuyat din si Juan? Kung parehas lang naman pala si Juan at Pedro nang pinag-dadaanan ngayon, bakit mas gugustuhin mo pa ang buhay na wala namang patutunguhan?
Original content from: http://emancruz.com/kwento-ng-networker/

WHY PINOY NETWORKERS HAVE A BETTER WAY

Ngayon na narinig mo na ang kwento ng empleyado at ang kwento ng Pinoy networker, ang iniisip mo naman siguro ngayon ay ano ang gusto kong iparating sa mga bumasa ng kwentong yon. Simple lang ang dahilan kung bakit ko sinulat yon – para ipakita sa mga empleyado ang realidad na meron sila, at sa mga networkers ang bagay na posible nilang makuha sa industriya nila. Sa mga kababayan naman nating empleyado, sana ay wag ninyong masamain ang mga nabasa ninyo, dahil hindi ko ito sinulat para lang ma-offend kayo.
Siguro ay hype na hype ang mga Pinoy networkers ngayon, pero isa lang ang masasabi ko – kung member ka ng isang MLM at wala ka namang ginagawa (o kulang ang ginagawa mo) ay wala ring kwenta kahit ilang beses mo itong basahin. Hindi sapat ang “Law of Attraction” at kakasigaw mo ng POWER! POWER! HATAW! HATAW! Kung ikaw mismo sa sarili mo ay nagdududa sa ginagawa mo. Sa susunod na parte ng post na ito ay ipapakita ko sa inyo ang iba’t iba pang mga dahilan kung bakit nga ba mas maganda ang maging isang Pinoy networker kaysa sa maging empleyado at mag-trabaho para sa ibang tao.

BAGONG TREND SA PILIPINAS

Familiar ka ba sa mga call center agents? Siguro naman lahat tayo ay may mga kakilalang call center agents (kahit isa lang), at malamang ay inggit na inggit ka sa sweldo nila diba? Pero alam mo ba na sa kanila nag-umpisa ang bagong trend ngayon sa corporate world – ang performance-based. Kung hindi mo pa alam, karamihan sa mga call center agents ay minimum lang ang sweldo pero kapag naabot nila ang quota nila sa loob ng isang buwan ay mas malaki ang sasahurin nila. Sabihin na natin ang dapat swelduhin ng isang agent ay P20,000 – pero ang fixed lang talaga na matatanggap niya ay P12,000. Saan manggagaling ang P8,000? Kapag naabot niya ang quota niya, ay ibibigay ito sa kanya sa pamamagitan ng tinatawag na “performance bonus”.
Ang hindi alam ng mga agents ay ginagamit ang salitang “performance bonus” para maging mas productive sila at mas maging sulit ang binabayad sa kanila ng kumpanya. Halimbawa na lang ay kailangan nilang makapag-close ng 15 sales sa isang buwan para makakuha ng bonus. Kung wala ang “performance bonus” ng company sa tingin mo ba ay magiging motivated ang mga agents na makapag-close ng 15 sales sa isang buwan, lalo na’t alam nilang fixed naman ang sweldo nila? Baka nga hindi pa sila makapag-close ng 5 kung wala ng tinatawag na bonus.
Ang trend ng performance-based ay nahahati sa tatlo at ito ang mga sumusunod:
  1. Less Work Less Pay – ngayon, kung may kaibigan kang empleyado, tanungin mo sila kung hindi ba binabawasan ang sweldo nila kapag late sila. Sigurado akong oo ang sagot nila at per minute ang bawas sa kanila tuwing malalate sila. Ibig sabihin ay mas konti ang nagagawa nila, mas konti ang sahod nila. Under din ito ng performance-based na trend dahil mas marami kang pasok ay mas malaki ang sweldo mo (o maaabot mo ang maximum na pwede mong sahurin). Ito rin ang pinaka in-demand ngayon at halos karamihan sa mga kumpanya ay ganito ang patakaran sa mga empleyado nila.
  2. Work More for Same Pay – familiar ba kayo sa “kailangan ko yan bago mag-lunch” na paboritong sabihin ng mga boss? Ang laging sinasabi ng mga empleyado ay “rush” kasi to eh kaya kailangan kong tapusin. Pero kung titignan nating mabuti, ang puno’t dulo nito ay pinagtatrabaho sila nang mas marami kapalit ng parehas na sahod. Pag sinabing rush ay dalawang project ang kayang tapusin ng isang ordinaryong tao sa isang araw, pero kapag hindi ito rush ay inaabot ng dalawang araw ang isang project. Kaya nga madalas nating marinig ang “salitang kailangan ko na to agad” ay para mas marami tayong matapos kapalit ng parehong sahod na ibibigay sa atin ng company natin.
  3. Work More for Less Pay – ito yung pinaka-masaklap sa lahat, pero ito ang dinadanas ng mga call center agents ngayon. Tulad nang sinabi ko kanina kung hindi ka maka 15 sales sa isang buwan ay P12,000 lang ang pwede mong makuha, pero papano kung 14 lang ang sales mo? Sympre wala yung P8,000 mo pero ang masaklap ay todo trabaho ka para sa mas maliit na sahod. Ang nakakatakot pa ay halos lahat ng company ay papunta na sa ganitong trend, dahil ito ang magbibigay sa kumpanya ng mas malaki income.

BAKIT DUN KUNG PWEDE DITO?

Maraming mga tao ang nagsasabi na ayaw nila sa MLM kasi hindi daw sila kikita kapag hindi sila nakapag-benta; sa madaling salita performance-based. Pero ang tanong ko sa’yo ngayon, ano ba ang meron sa trabaho nila ngayon? Diba kapag hindi sila masyadong nagtrabaho ay hindi din masyadong malaki ang sweldo nila? Sa MLM kapag hindi ka masyadong nagtrabaho ay hindi rin masyadong malaki ang tseke mo. Parehas lang diba?
Pero ito ang pagkakaiba na nakita ko. Sa MLM kapag hindi ka nagtrabaho ay hindi ka magkaka-tseke, pero pwede mong balikan. Sa employment, try mo kayang hindi pumasok ng dalawang linggo… may babalikan ka pa kaya? So, bakit mas pipiliin mo ang mag-trabaho para sa ibang tao kaysa sa mag-trabaho para sa sarili mo kung parehas lang naman ang kapalaran na meron ang empleyado at Pinoy networker?
Dati akong technical writer na kumikita ng malaki, pero bakit mas pinili kong maging network marketer? Kasi sa tagal kong nag-trabaho para sa ibang tao, ang natutunan ko lang ay mahirap iasa ang buhay at pamumuhay mo sa mga tao na hindi mo naman kaano-ano. Isa pa, feeling ko ay hindi sulit ang bayad sa akin, kasi lahat ng bagay na nagpapayaman sa dun sa pinagtatrabahuhan ko ay galing sa effort ko. So kung kaya kong magpayaman ng ibang tao gamit ang sole effort ko, ibig sabihin ay mas lalong kaya kong payamanin ang sarili ko diba?
Mas masarap naman siguro kung gagamitin mo ang lahat ng skills na meron ka para gawin ang mga bagay na gusto mong gawin para maging successful sa buhay, kaysa naman gamitin mo ang lahat ng bagay na meron ka para mag-survive lang sa buhay. Lagi mong tatandaan na hindi ka ginawang unique ng Diyos para maging alipin ng P15,000 o P100,000 per month. Kaya ka ginawang unique at walang katulad sa mundo ay para magkaroon ka ng buhay na kakaiba at gawin ang mga bagay na masaya ka. Kung tanggap mo na unique ka, dapat alam mo sa sarili mo na unique din dapat ang kapalit ng ginagawa mo ngayon.

Original content from: http://emancruz.com/why-pinoy-networkers-have-a-better-way/

ANG BATA AT ANG TEACHER

Kapag nasa MLM industry ka, marami kang maririnig na kwento sa mga upline mo na magbibigay sa’yo ng motivation, pero may isang kwento akong narinig noon, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan; ito yung kwento ng bata at ng teacher. I’m sure na marami ang makakarelate sa kwento na ito, dahil bilang Pinoy networker, halos araw araw ay may mga tao tayong nakakasalamuha na susubukang sirain ang lahat ng pangarap na meron tayo dahil lang sa hindi nila nagawang maabot ang mga pangarap nila.

ANG PANGARAP

It all started long time ago… Hindi joke lang, ito yung umpisa nun – merong isang teacher na pina-drawing sa mga estudyante niya ang mga pangarap nila pag lumaki na sila. Halos lahat sa mga estudyante ay nag-drawing ng teacher, doctor, abogado, bumbero, at piloto. Tuwang tuwa ang teacher habang tinitignan ang mga gawa ng mga estudyante niya pero may isang drawing na umagaw nang atensyon ng teacher at ito ang pinaka-kakaiba sa lahat. Isang drawing ng bukid na may malaking bahay sa gitna at maraming hayop sa paligid. Tinawag ng teacher ang nag-drawing nito at tinanong kung bakit ito ang drawing niya. Ang sabi ng bata, pangarap ko po kasing magkaroon ng isang malaking malaking bukid na maraming hayop, ang tatay at lolo ko po kasi ay nag-trabaho lang sa bukid ng ibang tao, kaya gusto ko pong magkaroon nang isang bagay na gusto rin nila pero hindi nila naabot.
Ang sabi ng teacher sa bata, ang sabi ko pangarap, hindi panaginip. Papano ka magkakaroon ng isang malaking bukid, eh ang tatay mo ay magsasaka lang; ang lolo mo magsasaka din; at ang lolo ng lolo mo ay magsasaka din. Ang pangarap ay isang bagay na posible mong maabot, pero kung ang pangarap mo ay magkaroon ng isang bukid, hindi yan mangyayari dahil ilang henerasyon na kayong magsasaka. Gusto kong palitan mo ang drawing mo at gawin mong mas makatotohanan. Tignan mo si Juan gustong maging doctor; tignan mo si Pedro, gustong maging abogado; at tignan mo sa Maria, gustong maging teacher. Ipasa mo sa akin bukas ang drawing mo at gusto ko ay iba na ang drawing (pangarap) mo dahil kung hindi ay ibabagsak kita!

ANG FREEWILL

Malungkot na umuwi ang bata at tinitignan ang drawing niya. Nang makita niya ang tatay niya ay agad siyang nagsumbong dito. Tay, pinag-drawing kami ng teacher namin kanina ng pangarap namin pero sabi niya ay palitan ko raw ang pangarap ko kasi magsasaka lang daw ang tatay ko at lolo ko; pati ang lolo ng lolo ko magsasaka lang kaya hindi daw ako pwedeng magkaroon ng pangarap ko. Bakit anak, ano ba yung pangarap mo? Gusto ko pong magkaroon ng isang malaking bukid na maraming hayop at may malaking bahay sa gitna, pero ayaw niyang tanggapin kasi hindi daw ito mangyayari. Kung hindi ko daw po papalitan yung drawing (pangarap) ko ay ibabagsak niya ako.
Alam mo anak, ang sabi ng teacher mo ay pangarap mo, hindi ang pangarap niya para sa’yo. Kung ano ang sa tingin mo ay gusto mo at sa tingin mo ay kaya mong gawin, ituloy mo. Tandaan mo palagi anak na hindi pwedeng ibang tao ang magbigay sa’yo ng pangarap mo dahil bawat isa sa atin ay may sarili sariling pag-iisip. Hindi pwedeng sabihin ng ibang tao na hindi mo magagawa ang isang bagay; ang makakapag-sabi lang niyan ay ang sarili mo mismo. Kung ano man ang maging desisyon mo ay ikaw ang bahala dahil wala ako sa posisyon para idikta sa’yo ang gusto mong maging paglaki mo. Nasayo ang desisyon kung papalitan mo ang pangarap mo o hindi dahil lang sa sinabi ng ibang tao na hindi ito posibleng mangyari.

ANG PANININDIGAN

Pagpasok pa lang ng bata ay hinanap na ng teacher yung pina-drawing niya at ibinigay naman ito ng bata. Nang tignan ng teacher yung drawing ng bata ay lalo siyang nagalit dahil walang nagbago sa drawing nung bata. Nandun parin yung bahay at maraming hayop sa paligid ng bukid. Ang sabi ng teacher ng bata; sinusubukan mo ba talaga ako? Hindi ba’t sabi ko sa’yo ay baguhin mo yung drawing mo dahil kung hindi ay ibabagsak kita? Gusto mo bang ibagsak na kita ngayon? Bibigyan pa kita ng isang pagkakataon na baguhin mo ang drawing na ito, pero pag ito hindi mo pa rin bi…
Hindi na pinatapos ng bata ang sasabihin ng teacher at sumagot siya rito; teacher, kung gusto mo akong ibagsak, ibagsak mo ako. Pero hinding hindi ko isusuko ang pangarap ko para sa sarili ko dahil lang sa sinabi mong hindi ko ito magagawa.
Makalipas ang dalawampung taon ay grupo ng bata na nagkaroon ng field trip sa isang bukid. Halos karamihan ay sa mga bata ay tuwang tuwa dahil sa laki ng bukid na nakita nila. Sympre kasama nila yung teacher nila at siya yung teacher nung bata na pinabago yung drawing dahil sa hindi daw ito posibleng mangyari. Pagbaba nung teacher sa bus ay biglang may tumawag sa kanya… teacher! teacher! habang patakbong lumalapit ang isang lalaki na may matikas na pangangatawan. Teacher, natatandaan mo pa ba ako? Tinitigan lang ng teacher yung lalaki at kinikilala kung sino ba siya. Ako yung bata noon na pinag-drawing mo ng pangarap ko… ito yung drawing ko noon na sabi mo ay hindi mangyayari, sabay turo sa bukid.
Nang maalala ng teacher ay may biglang kumurot sa kanyang dibdib at dahan dahang pumatak ang luha niya. Ang sabi niya sa lalaki, alam mo, 20 years na akong nagtuturo sa mga bata at marami akong nakitang mga katulad mo na ang drawing o pangarap nila ay mga imposible para sa akin kaya pinapabago ko sa kanila ang mga drawing nila. Halos lahat sila ay binabago ang drawing at ikaw lang ang nanindigan sa pangarap mo. Ang tagal ko nang nagtuturo pero marami na pala akong mga pangarap na sinira, buti na lang at pinaglaban mo ang pangarap mo.
Tayong mga nasa industriya ng networking ay may isang malaking pangarap sa buhay. Ang kumita ng malaki at mabili ang mga bagay na gusto natin. Pero hindi natin maaalis ang mga tao na aagawin ang pangarap natin dahil sa tingin nila ay hindi natin ito kaya. Halos araw araw, may taong susubukang sirain ang pangarap mo at sasabihan kang nananaginip lang, pero gaano ba katatag ang paniniwala mo na magiging successful ka sa ginagawa mo? Kung ikaw mismo ay hindi sigurado o may duda kang kikita ka ng malaki at maaabot mo ang mga pangarap mo sa MLM, ako na mismo ang magsasabi sa’yo na tigilan mo na ang ginagawa mo. Kung sa sarili mo nga ay nagdududa ka, papano pa kaya ang ibang tao na nakapaligid sa’yo?
Wag kang tumulad sa ibang bata na isinuko ang pangarap nila dahil lang sa sinabi ng ibang tao na imposible nilang matupad ang pangarap nila. Marami ang magsasabi sa’yo na mahirap ang ginagawa mo, pero kung titignan mo sila, hindi ba’t mas mahirap naman ang ginagawa nila at gagawin nila yun ng tuloy tuloy hanggang sa tumanda na sila. Tandaan mo palagi na mas malaki at mas mataas ang pangarap mo, mas maraming tao ang kokontra at sisirain kung ano man ang gusto mo.

BAKIT MO GINAGAWA ANG MLM?

Habang nagbabasa ako sa isa sa mga forums para sa mga Pinoy, marami akong nakitang mga post na nagpapakita ng pagdismaya ng maraming Pinoy sa networking o MLM. Marami sa kanila ay nagsasabi na marami na daw ang walang kwentang MLM sa Pilipinas at halos lahat daw ay puro based na lang sa pyramiding 
scam scheme. Ang sabi po nung isa kong nabasa, masaya lang daw ang MLM kapag titignan mo, pero kapag nakasali ka na ay puro paghihirap na ang dadaanan mo bago mo maabot yung pangarap mo. Medyo natawa na lang ako sa post niya, pero normal lang naman na maramdaman ito ng isang unsuspecting na taong papasok sa MLM.
Kapag nakita mo ang mga business orientation meeting ng lahat ng mga networking companies ngayon sa Pilipinas ay iisipin mong sobrang saya ng ginagawa nila at kumikita sila ng malaki. Pero ako na mismo ang nagsasabi sa’yo na hindi ganun kadali ang maging successful sa networking. Isa sa mga dahilan kung bakit 5% lang ng mga Pinoy networkers ang nagiging successful ay dahil sila yung mga tao na kayang gawin yung mga bagay na para dun sa 95% ay impossible.
Isa sa mga pinaka-importanteng bagay na makakatulong sa’yo para maging successful sa MLM ay ang pagaralan mong mabuti yung negosyong pinasok mo. Alam mo ba kung bakit 5% lang ang nagiging successful sa MLM? Kasi yung 90% (9 out of 10) nung mga sumali ay hindi manlang maka-attend ng mga training. 70% (7 out of 10) dun sa mga umaattend ay hindi naman ginagawa yung mga natutunan nila sa training. At 30% nung mga ginagawa yung mga natutunan nila ay hindi inaasahan na mahirap pala ang networking kaya tumitigil sila. Para sa akin, yung 5% ng mga marketers yung mga tunay na entrepreneurs na nakikita yung mga ups and downs ng isang negosyo. Kung sa isang traditional business nga, 1 out of 10 lang ang tatagal ng 5 years at dun sa mga lumagpas ng 5 years, 1 out of 10 lang rin ang aabot ng ten years; ibig sabihin, 1% lang ng nagtayo ng sarili nilang negosyo ang aabot ng 10 years at hindi lahat ay pwedeng maging successful.
Oo, mahirap ang networking pero ang lagi kong sinasabi sa mga ka-grupo ko, kapag naging empleyado ka ba, magiging madali ang buhay mo? Sabi nila kailangan daw kasi ng maraming pamasahe, pero kapag nagtrabaho ka ba sa labas hindi mo kailangan ng pamasahe? Siguro iniisip mo na isa ako sa mga traditional upline na makikita sa kahit saang MLM company, pero ang masasabi ko sa’yo ay ito talaga ang totoo at kung babasahin mo yung kwento ng empleyado ay malalaman mo kung ano ang hirap na pinagdadaanan ng isang ordinaryong pinoy.
Pero, kung malalaman mo ang mga dahilan kung bakit marami ang hindi nagiging successful sa MLM, malamang ay tumaas ang chance mo dahil alam mo na ang mga dapat mong iwanas. So para matulungan kitang maging successful ay ikukwento ko sa’yo yung mga bagay na nangyari sa mga ka-grupo ko at ito ang patunay na wala sa product, compensation plan, at grupo nakikita ang success ng isang Pinoy networker:
  • Isa sa mga ka-grupo ko ay sumali na dati sa ibang company na food supplement ang product. Ang dahilan niya kung bakit siya sumali sa amin ay dahil madali daw ibenta ang product pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kinikita.
  • Meron akong ka-grupo na galing sa ibang company na parehas yung product sa amin. Ang sabi niya ay maganda daw kasi ang compensation plan dito. After almost 4 months ay hindi pa rin siya kumita ng malaki o sapat para mapantayan yung sahod ng empleyado.
  • Ang pinakahuli ay yung ka-grupo ko na galing sa ibang team at lumipat sa amin dahil sa support na nakikita niyang ibinibigay namin. Pero tanungin mo siya kung ano na ang ginawa niya para maging successful sa business niya; wala.
Sa madaling salita, hindi pala yung product, hindi rin yung compensation plan, at mas lalong hindi yung support ng grupo ang magbibigay sa’yo ng resulta na gusto mong mangyari sa MLM. Ikaw mismo ang dapat gumawa ng paraan para maging successful ka at yung tatlong factors na sinabi ko ay makakatulong lang sa’yo para maging mas madali yung pagyaman mo sa networking. Pero papano ka matutulungan nung tatlong sinabi ko kung ikaw mismo ay hindi mo kayang tulungan ang sarili mo?
So bakit mo nga ba ginagawa ang MLM? Kung ang dahilan mo lang ay dahil gusto mong yumaman, hindi ka magiging successful. Kung ang dahilan mo lang ay gusto mong maabot ang mga pangarap mo ay hindi ka magiging successful sa MLM. Pero, PERO, hindi sapat ang reason lang… kailangan mo ring sipagan. Take note, hindi basta basta income lang ang pinag-uusapan natin dito kundi yung mga pangarap mo. Kung inaasahan mong matupad ang pangarap mo ng hindi ka nahihirapan, siguro ay nananaginip ka o hindi mo lang talaga alam pa sa ngayon kung gaano kaimportante yung pangarap mo.

Your Online Friend To Success, 

Alvin Tabulao



"Learn How Thi

STUDENT Earned 20k to 30k,

Using Facebook and 

Internet CLICK HERE NOW"

MLM Tips for Filipino Networker : 8 essential tips

8 Essential MLM Tips for Filipino Networker


Here are the 8 essential tips that I want to share with you whether you are just starting out or been doing Network Marketing business for quite awhile now.
And they are... 

1.   Set your GOALS - Setting goals is very important part of success and a must in every business. It's very hard to accomplish things without definite goals. You can ask yourself what is it that you want to accomplish. Better income? A new car? A new condo?
Etc. Write down your goals and set a target date for reaching it. Divide the time period into blocks of achievement that are reachable. Believe that you can achieve your goals and work consistently toward in accomplishing them and finally, commit to yourself that you will achieve your goals. Success happens to those who are not only persistent in reaching their goals, but to those who make a decision to reach them.

  2.   Break It Down - If a task is too large for you to handle, it will be much easier to break it down because it is very easy to lose focus when you get overwhelmed with the things that you needed to do and the stuff that you needed to learn. What you can do is break these tasks into smaller bits and pieces. It'll be much easier to concentrate because you will not feel as overwhelmed. An example for this can be putting up a website. This can be broken down into: “Thinking of a website domain name, thinking of a theme for your site, finding out where to buy the domain name, gathering contents for your site and so on. 

3.   Make a TO DO List - Before going to bed at night, list all the things you want to get done the following day and include also the time you want to do each task. This will provide you a planned approach for your entire day. 
                                           
As each task is done, mark it off from your list. Make sure to finish the first task before moving to the next. You’ll be amazed how much easier and organized it is when you work with a TO DO List. It is also good to always keep with you a notebook to list all your appointments, potential prospect, business clients, and referrals, you will be filling that notebook constantly as you move forward with your business
                                                .

4.   Expect NO'S - You need to understand that NO's are part of our business and you doesn’t have to take them personally and let affect you emotionally. Reason why most networkers burnout very easily is because they let the rejections affect them so bad. Business + Emotion = Disaster. A good thing to practice is to put in your mind that every NO gets you closer to a YES. Remember, the yes's are your income
                                       . 
Also remember that "No" does not necessarily mean "No." Often a "No" means more time for them to think and to find out more information about your product or your service. A “No” can also means that your client is not yet convinced that they can trust you.  Assure here by your helpful attitude and your complete honesty, that you want what is best for him or her. They will most likely respect you and do business with you.

5.   Have a Positive Attitude - You can start by surrounding yourself with positive things and positive people, and keep yourself away from negative things and try your best not to listen to negative people around you. “Wala kang mapapala kung makikinig ka sa mga Negatibong tao” Don’t get affected by these people. They are dream stealers. I want you to become aware that there is going to be a lot of discouragement, negativity, Crab mentality, Jealousy. Jealous people don’t want you to succeed. Just believe in yourself that you can achieve anything.
                                                    
My favourite thing to do is read positive books from authors like Napoleon Hill, Dale Breckenridge Carnegie, Rhonda Byrne etc...You can also listen to audios & watch videos that will give you positive feeling. Success in MLM, as in all areas of life is 90 percent attitude and 10 percent aptitude.
What the mind can conceive and believe, it can achieve... Napoleon Hill

6.   Never Stop Learning – You need to understand how valuable continuous learning isYou need to continuously feeding yourself new knowledge in order for you to have self growth and business growth.  
                            
      When there is no learning, there is no growth. All successful people keep on learning new skills and constantly increasing their knowledge and that is simply how they become successful. They keep on learning new things, applying it, mastering it and learn another one. Be very curious! Curiosity is one of the foundation blocks of learning.

7. Talk to a Lot of People - I like to encourage people to talk to as many people as they can. Make friends, build relationship and Increase your warm market. You can also learn a lot just by simply talking to a lot of other networker, ask questions, share ideas and learn from their stories and past experiences.
                                       

8.  Know Your WHY - I listed this last because for me, this is the most important. Know why do you want to have a Network Marketing business and why do you want to be successful. Your Why will greatly affect the actions that you are going to take for you to succeed.  The bigger your WHY, the more you are motivated, enthusiastic, and passionate. 
                        
My Why is my family. They are the reason why I wanted to succeed in this industry for me to have time freedom and achieve financial freedom so I can spend a lot of time with them and enjoy life. How about you, what's your reason? Do you want to just have an extra 5,000 peso income per week? Do you want to buy your dream car? Or do you want the TIME FREEDOM!